Home NATIONWIDE Pananampalataya, suporta ng pamilya, nakatulong sa OFW na pinalaya ng Hamas

Pananampalataya, suporta ng pamilya, nakatulong sa OFW na pinalaya ng Hamas

MANILA, Philippines – Si Gelienor “Jimmy” Pacheco, sa 24 na hostage at nag-iisang Filipino na pinalaya ng Hamas mula sa Gaza nitong Biyernes, Nobyembre 24.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ito sa full physical at psychological examination sa Israel.

Ayon sa Philippine Embassy sa Tel Aviv nitong Sabado, maayos ang kalagayan ni Pacheco.

“He is able to walk and move without difficulty and speaks coherently,” saad sa pahayag.

Si Pacheco ay binihag kasabay ng pag-atake ng Hamas sa Kibbutz Nir Oz noong Oktubre 7, na pinalaya matapos ang 49 araw na pagkakabihag.

Kasama sa unang batch ng mga pinalaya ang 13 Israelies at 10 Thai nationals, kapalit ng pagpapalaya sa Palestinian prisoners.

Sa pakikipag-usapan ng Embahada, ibinahagi ni Pacheco kung ano ang nagpalakas ng kanyang kalooban sa mga panahong siya ay bihag.

“[K]aya lang ako buhay dahil sa Panginoon. Kahit nung unang araw pa lang na nakuha ako iniisip ko talaga ang pamilya ko. Habang nandun ako ang gusto ko lang mabuhay para sa pamilya ko,” sinabi ng 33-anyos na caregiver, kay Philippine Ambassador to Israel Pedro Laylo Jr., na sumalubong sa kanya sa Shamir Medical Center sa labas ng Tel Aviv.

Nakausap na rin ni Pacheco ang kanyang asawa na si Clarice Joy.

Siniguro naman ni Laylo na bibigyan ng “full support” ang pamilya sa mga pangangailangan nito.

“The Filipino nation shares the joy of Israeli and Thai families who are now receiving this good news. We continue to pray for the release of the remaining hostages in Gaza,” ani Laylo.

“They never left him/us their whole family on this battle! Thank you so much Lord. Such a blessings and big miracle for having your second life. Big thanks po to all! Let’s pray that all the hostages left will release[d] soon. I feel [for] their family [ies], not that easy. Just keep fighting,” saad sa Facebook post ng asawa ni Pacheco nitong Sabado, Nobyembre 25. RNT/JGC

Previous articleSenado naglaan ng P1.5B pondo sa teachers’ training sa ilalim ng ‘Matatag’ program
Next articleInfra damage sa Eastern Visayas sa baha, umakyat na sa P469M