Home NATIONWIDE Pananatili ni Teves sa Timor Leste prayoridad ng kanyang mga abugado

Pananatili ni Teves sa Timor Leste prayoridad ng kanyang mga abugado

MANILA, Philippines – Nananatiling opsyon para sa kampo ni dating Rep. Arnolfo Teves Jr. ang mabigyan ito ng ligtas na kanlungan, political asylum at iba pang maaaring legal remedies.

Si Teves ay nananatiling nasa kustodiya ng Timorese authorities matapos maaresto noong Marso 21 habang naglalaro ng golf.

Ayon sa legal counsel ni Teves na si Atty Ferdinand Topacio, nagtungo siya sa Timor-Leste nitong March 28 hanggang March 30 para sa malalim at malawak na talakayan sa abugado roon kaugnay sa batas ng Timorese na applicable sa kaso ng kanyang kliyente.

Dahil sa kanya umanong pakikipag-usap sa abugado sa Timor-Leste, kumpiyansa si Topacio na maituturing na isang kalokohan ang mga naging pahayag ng National Bureau of Investigation at Department of Justice patungkol sa deportation at pag-repatriate kay Teves.

Sinabi ni Topacio na istrikto ang konstitusyon ng Timor-Leste sa due process.

Batay umano sa nakalap na impormasyon sa law enforcement authorities sa Timor-Leste, walang nakitang ebidensya na nagtatago si Teves dahil sa mga iligal na aktibidad nito o dahil sa terorismo.

Aniya, ang pagkakakulong ni Teves ay bilang pagsunod lamang umano sa procedural matters kaugnay sa pagiging miyembro ng Timor-Leste sa International Police (Interpol). Teresa Tavares

Previous article1.3M bata sa BARMM babakunahan vs tigdas
Next article2 NPA financiers kinasuhan ng DOJ