Panawagang global ceasefire ng UN, suportado ng AFP

Panawagang global ceasefire ng UN, suportado ng AFP

March 25, 2020 @ 4:19 PM 4 months ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines — “We could not agree more with the UN (Secretary General Antonio Guterres’) call for a global ceasefire. The Philippine government has already declared a unilateral ceasefire with the NPA (New People’s Army) midnight of March 19, 2020. And the AFP, from its leadership down to the last element on the ground, adheres to it religiously.”

Ito ang sinabi ni AFP chief Gen. Felimon Santos Jr. matapos ipahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang suporta sa panawagan ng United Nations (UN) na magkaroon ng global ceasefire nang sa gayon ay mapagtuunan ng pansin ang pagpigil sa COVID-19.

Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19, sinabi ni Santos na ito ang nagtulak sa kanila upang higit na mapagtuunan ng pansin ang “virulent but unseen enemy”.

“We will press on and assist the government’s campaign to save our people from this deadly disease. We will not be deterred by the threat of attacks on our troops by this Communist Terrorist Group,” dagdag pa nito.

Ani Santos, maaaring dumipende ang mga Filipino sa AFP sa ganitong pagkakataon upang maglagay ng mga barikada laban sa COVID-19.

“We appeal to our fellow Filipinos to be heroes in saving lives by staying home,” sabi pa nito. Remate News Team/MM

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...