Home NATIONWIDE Pandemic accord isinusulong ng WHO sa 2024

Pandemic accord isinusulong ng WHO sa 2024

MANILA, Philippines – Sinabi ng World Health Organization (WHO) na kailangang maghanda ang mundo para sa mga pandemya sa hinaharap matapos pinal nang winakasan ang tatlong taon na krisis dahil sa COVID-19.

Sa kanyang mensahe sa pagtatapos ng taon, sinabi ni WHO director-general Tedros Adhanom Ghebreyesus na minarkahan ang 2023 ang pagbabago sa paglaban sa mga pangunahing hamon sa kalusugan ngunit nagdulot din ng “napakalaki at maiiwasang pagdurusa.”

Idineklara ni Tedros ang pagwawakas ng COVID-19 bilang international public health emergency noong Mayo.

“This marked a turning point for the world following three years of crisis, pain and loss for people everywhere,” sinabi niya sa isang video message. “I’m glad to see that life has returned to normal.”

Pagkalipas ng 10 buwan, inalis din ng WHO ang isang katulad na emerhensiya sa mpox noong Mayo 2023, habang inaprubahan ng UN health agency ang mga bagong bakuna para sa malaria, dengue at meningitis, sabi ni Tedros.

Samantala, ang Azerbaijan, Belize at Tajikistan ay idineklarang malaria-free.

Napansin din ni Tedros na ang mga epekto sa kalusugan ng pagbabago ng klima ay tampo sa COP28, ang pinakahuling taunang UN climate conference na ginanap ilang linggo na ang nakalipas.

Nabanggit din ni Tedros ang “barbaric” Hamas attacks sa Israel, na sinundan ng pagpapakawala ng isang mapangwasak na pag-atake sa Gaza.

“Relief efforts are not coming close to meeting the needs of people in Gaza,” sabi ni Tedros na binibigyang-diin ang panawagan ng WHO para sa agarang tigil-putukan.

“A resurgence of cholera, with a record number of 40-plus outbreaks around the world, is also “especially concerning,” dagdag pa ni Tedros.

Habang isinara niya ang ika-75 taon ng WHO, sinabi ni Tedros na sa mga tuntunin ng paghahanda at pagtugon sa emerhensiya, nananatili ang mga puwang sa kahandaan ng mundo upang maiwasan ang susunod na pandemya.

“But 2024 offers a unique opportunity to address these gaps,” saad ng WHO director-general.

“The pandemic accord is being designed to bridge the gaps in global collaboration, cooperation and equity,” saad pa ni Tedros. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleHerlene, sinorpresa ng mga senior citizen!
Next articlePanel of prosecutors binuo sa pagsuri sa dagdag na ebidensya sa Manila drug raid