MANILA, Philippines – Itinanggi ng National Bureau of Investigation (NBI) ang alegasyon laban sa kanilang tauhan na nang-abuso ng dalawang suspek na sangkot sa kaso sa pagkawala ng mga sabungero.
“The NBI takes exception to the reported torture, planting of evidence and rape by the NBI – Task Force Against Illegal Drugs (NBI-TFAID) personnel band it’s Chief”, pahayag ng NBI.
“We believe that this issue is related to the three cases filed by NBI-TFAID against the Manio brothers and the PNP-NCRPO-RDEU (Philippine National Police-National Capital Region Police Office-Regional Drug Enforcement Unit),” dagdag pa ng NBI.
Naniniwala ang ahensya na ang isyu ay may kaugnayan sa tatlong kaso na inihain ng NBI-TFAID laban sa kampo ni Joyce Manio.
Ayon sa NBI, hindi pa ito nakakatanggap ng pormal na reklamo.
“Nonetheless, once furnished with the same, the NBI will answer all the allegations in accordance with the legal procedure in the proper forum. Rest assured that the NBI will continue to unwaveringly perform its mandate in providing quality services to the public,” ayon pa sa ibinahaging pahayag sa mga mamamahayag.
Pagtitiyak ng NBI na patuloy na gagampanan ang kanilang mandato sa pagbibigay ng serbisyong dekalidad sa publiko.
Si Manio ay naghain ng complaint-affidavit sa Office of the Deputy Ombudsman for the Military and Other Law Enforcement Offices laban sa siyam na NBI personnel para sa umano’y “sexual assualt , planting of evidence, torture, graft, incriminating innocent persons and delay in the delivery of detained persons to the proper judicial authorities”.
Gayundin ang kasong administration para sa “serious dishonesty, grave misconduct, oppression, conduct prejudicial to the best interest of the service, sexual harassment and violation of the Code of Conduct and Ethical Standards of Public Officials and Employees.” Jocelyn Tabangcura-Domenden