Home HOME BANNER STORY Pangamba ng malawakang bentahan ng agrarian reform lands, pinawi ni PBBM

Pangamba ng malawakang bentahan ng agrarian reform lands, pinawi ni PBBM

MANILA, Philippines – PINAWI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pangamba ng malawakang pagbebenta ng agrarian reform lands na ipinagkaloob sa mga beneficiary-farmers.

Tiniyak ni Pangulong Marcos na palalawigin ang sapat na  technical support para sa mga ito.

Sa media interview  matapos ang pagpirma sa  bagong Agrarian Emancipation Act at awarding ng titulo sa  agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa Palasyo ng Malakanyang, tinukoy ng Pangulo ang mga magsasaka na napipilitang ibenta ang kanilang lupain dahil wala silang pera na pambili ng agricultural inputs.

“Ang nagiging dahilan kung bakit ang nabibigyan ng titulo ay ipinagbibili kaagad ‘yung lupa nila ay dahil wala silang pambayad ng inputs, hindi sila makautang, wala silang pagkukuhanan ng binhi, wala silang pagkukuhanan ng fertilizer, ng pesticide. Wala silang pambili,” ayon sa Pangulo.

“Wala naman silang magagawa kaya’t ‘yung dati ‘yung mga nasubukan noong una ay pinag-aralan ito nang mabuti at nakita natin ‘yung naging karanasan ng mga ibang bansa. At nakita nga namin pagka basta titulo lang ibinigay mo at wala ng ibang suporta, mangyayari talaga eh wala naman hindi naman nila maisaka, mangungutang na naman sila doon sa ‘yung dating may-ari. Tapos hindi makabayad. Tapos na-corner na naman – pinapakyaw na naman ‘yung kanilang produkto, et cetera, et cetera,” dagdag na wika nito.

Sa bagong agrarian reform system, siniguro ng Pangulo na mayroong available options at technical support services para  sa pagpapatuloy ng pagbubungkal o pagsasaka ng kanilang lupain.

“Ngayon, kaya’t isinama maliwanag na maliwanag at binibigyan ng halaga ang patuloy na suporta upang magkaroon ng pautang para sa ating mga beneficiaries, upang may technical support. Meron tayong ibinibigay na pagkukuhanan ng binhi, pagkukuhanan ng murang-mura na fertilizer. Lahat ‘yan ay ating ginagawa para maging matagumpay naman ang kanilang pagsaka nung kanilang bagong natituluhang lupa,” ayon sa Punong Ehekutibo.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III na palagi nilang pinaaalalahanan ang mga ARBs na kailangan nilang maghintay ng 10 taon  bago pa nila maibenta ang lupain na ibinigay sa kanila ng gobyerno.

“Ayon sa batas kailangan ‘pag naiabot sa kanila ang kanilang titulo, kailangan maghintay sila ng sampung taon bago nila maibenta ang lupa sa iba,” ayon kayEstrella.

“Sapagkat ‘pag nalaman po ng Agrarian Reform na kanilang ibinenta ang lupa nila na hindi pa lumalampas ang sampung taon, babawiin po ng pamahalaan at ibibigay natin sa ibang beneficiary ang lupa po,” aniya pa rin.

Winika pa nito na sa tulong ng information at awareness campaign, makaiiwas ang mga ARB mula sa pagbebenta ng kanilang agrarian reform lands.

“The new agrarian reform law would condone around P57 billion debt incurred by more than 600,000 ARBs tilling around 1.7 million hectares nationwide,” ayon sa ulat.

Sinabi naman ni Estrella na ang bagong batas ay magiging patas sa ARBs na nakapagbayad na ng kanilang utang.

“Palagay ko hindi naman magiging unfair sapagkat mayroon ding inilalaan ang pamahalaan ng ating mahal na Pangulo…para sa mga prompt payers, ‘yung mga maagap na magbayad katulad ng mas maraming support services natural ang ibibigay natin sa kanila,”  ayon kay Estrella.

Idinagdag pa ni Estrella na ang sitwasyon sa nakalipas at sa kasalukuyan para sa ARBs ay magkaiba, tinukoy ang developments na nakapipinsala o masama  para sa manggagawa sa agriculture sector.

“Katulad, halimbawa, nagmahalan ang mga farm machineries equipment and other inputs sa buong mundo ito kaya humirap ang buhay ng ating magsasaka. Nagkaroon pa ng pandemic,”  ayon kay Estrella.

“Nagkaroon pa ng distribution ngunit hindi natin siguro masisi sila dahil gusto lang nilang i-accelerate ang pagdi-distribute ng certificate of land ownership awards kaya nag-distribute sila ng collective CLOAs na walang namang parcelization,” aniya pa rin.

“Parcelization is identifying a particular tract of land that an ARB would own and till. Kaya nagpapasalamat kami sa World Bank dahil tumutulong sila dito sa parcelization natin. Iyon din nagkaroon ng confusion at hindi rin na-update ang payment of amortization fees. Lahat ‘yan pinagsama-sama, mahirap nang mangolekta. Mas magiging magastos pa sa pamahalaan ang mangolekta kaysa ang ibigay na lang natin na libre ang lupa. Kaya hindi naman unfair. Makikinabang naman silang lahat.” Kris Jose

Previous article‘POGO kung ugat ng lagim, layas!’ – Bong Go
Next article5 crew sugatan sa nasunog na bangka sa Zamboanga City

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here