
BUHAY na buhay ang tunay na malasakit ng
kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Ferdinand
“Bongbong” Marcos Jr. sa mga apektadong pamilya ng
pag-aalburuto ng Bulkang Mayon sa Albay kung saan
umabot na sa halos 10,000 pamilya ang apektado.
Batay sa talaan,umabot na sa 126,447,313.24 na
kabuuhang ayuda ang ipinamigay ng iba’t-ibang
ahensya sa mga naturang pamilya kung saan
88,663,716.32 ay mula naman sa Department of Social
Welfare and Development na patuloy na tumutugon sa
mga pangunahing pangangailangan ng evacuees
kabilang ang family food packs at Non-food items
kagaya ng family at modular tents, hygiene kits,
sleeping kits, family kits at iba pa.
Maging ang pamahalaang panlalawigan ng Albay at
mga apektadong Local Government Unit ay patuloy na
namamahagi ng pagkain at inuming tubig sa mga
pamilyang nasa loob at labas ng evacuation centers na
sadyang kailangan nila habang hindi pa natatapos ang
abnormalidad ng bulkan.
Abala naman ang Department of Health sa
pagsasagawa ng medical check-up sa evacuation sites
kasabay nang pamamahagi ng vitamins sa kanila
upang masegurong wala silang nararamdamang sakit
at ibang problemang pangkalusugan habang nasa loob
samantalang taga-suplay naman ng tubig panghugas at
pangligo ang ginagawa ng Bureau of Fire Protection,
Red Cross at iba pang Non-Government Organizations.
Patuloy namang na binibisita at inaalam ng mga
kongresista at ilang Senador ang kalagayan ng
evacuees lalo pa’t magsisimula na naman ang deliberasyon ng taunang budget hearing kung saan sila mismo ang makakapagpatunay ng pangangailangan nila upang agarang aprubahan ang pondo ng ahensya sa disaster preparedness at
response.
Sa totoo lang, ito na marahil ang pinakamalaking
stockpile ng pagkain ng DSWD sa apat na malalaking
bodega sa Albay na hindi bumababa sa 100,000 ang
family food packs na nasa loob at inihanda ng ahensya
sa pangangailangan ng mga apektadong pamilyang
siniguro mismo ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na
walang magugutom sa kanila habang patuloy ang
pagaalboruto ng Mayon.