Home NATIONWIDE Panganib ng Q Fever sa tao pinag-aaralan ng DOH

Panganib ng Q Fever sa tao pinag-aaralan ng DOH

MANILA, Philippines- Tiniyak ng Department of Health (DOH) sa publiko na ginagawa na ang masusing pagsusuri  sa mga panganib sa kalagayan ng kalusugan ng tao ng Q Fever bacteria na Coxiella burnetti na matatagpuan sa mga imported na kambing.

Ang pagtitiyak ng DOH ay kasabay ng kumpirmasyon ng Department of Agriculture (DA) sa naturang sakit .

Ang Q fever, o Query Fever, ay dulot ng bacteria na Coxiella burnetti, ayon sa DOH.

“It is a usually mild zoonotic disease found in animals that can be transmitted to humans, especially among farmers and animal handlers who are in frequent contact with infected animals. Human to human transmission,” bahagi ng inilabas na pahayag ng DOH nitong Biyernes ng hapon.

Nagkakaroon ng mga sintomas sa mga tao sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo pagkatapos ng pagkakalantad, at karaniwang hindi partikular at banayad. Kabilang dito ang lagnat, pagkapagod, sakit ng ulo, ubo, pagduduwal, at pagsusuka. 

Ang Q Fever ay maaaring gamutin sa pamamagitan ng mga antibiotic na available sa Pilipinas. 

Pinapayuhan ng DOH ang publiko na iwasan ang pakikipag-ugnayan sa mga hayop na hinihinalang may Q fever. Kung pinaghihinalaan ang pagkakalantad, mangyaring kumonsulta sa pinakamalapit na ospital o klinika. Jocelyn Tabangcura-Domenden