Home NATIONWIDE Panganib sa pagdami ng mga billboard susuriin sa Senado

Panganib sa pagdami ng mga billboard susuriin sa Senado

MANILA, Philippines – Nagresulta sa isang senador para manawagan ng congressional inquiry ang pagsulpot ng kabi-kabilang billboard sa mga pangunahing kalsada at mga panganib na dala nito.

Inihain ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. ang Senate Resolution No. 924 na nananawagan sa nararapat na komite sa mataas na kapulungan, kabilang ang public works panel para imbestigahan ang naturang isyu.

“Data on accidents attributable to billboards may not be readily available as it is lumped under the violation of distracted driving, but anecdotal evidence [suggests they] really cause distraction while driving especially because of its light and even its content,” saad sa resolusyon.

“Not only do light-emitting diode (LED) billboards cause distractions to people traversing the roads because of glaring lights, but more so do motion billboards. There is also a question of stability that is posed by these kinds of billboards, which are more prone to accidents during calamities,” dagdag pang ipinunto ng senador.

Iginiit ni Revilla sa resolusyon ang pangangailangan sa isang “intensified implementation of applicable laws and regulations covering the construction, operation, maintenance, and monitoring of billboards in the country.”

“It is imperative to secure the safety of the riding public who are at special risk to [fall] prey to the hazards that are necessarily linked with billboards,” pagpapatuloy niya.

Sinabi pa ni Revilla ang deadline sa Marso na ibinigay sa mga may-ari at operator ng mga billboard na tumugon sa mga panuntunan na inilahad sa Executive Order No. 165.

“As the deadline set by EO No. 165 draws near, it is only proper to determine whether billboard owners and operators have complied with the standards set forth therein,” ani Revilla. RNT/JGC

Previous articleElreen Ando sumungkit ng pilak sa  AWC
Next article9 tulak, laglag sa P180K ‘bato’ sa Bulacan buy-bust