Home NATIONWIDE Pangarap ni PBBM: Sapat na trabaho, magandang buhay sa Pinas

Pangarap ni PBBM: Sapat na trabaho, magandang buhay sa Pinas

123
0

MANILA, Philippines- Pinuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga overseas Filipino workers (OFWs) at nagpahayag na pangarap nito na maging sapat na ang job opportunitiesĀ  sa Pilipinas upang gayon ay maging opsyon na lamang ang pagtatrabaho sa ibang bansa.

Sa pagtatapos kasi ng five-day official visit ng Pangulo sa Japan, nakipagkita at nakipagpulong siya sa mga miyembro ng Filipino community doon.

Pinuri rin ng Pangulo ang OFWs sa JapanĀ  para sa kanilang “pagsusumikap at sipag”.

ā€œAng maisusukli namin sa naging suporta ninyo sa amin ay ā€˜yung aming gagawing trabaho para pagandahin ang buhay ng ating mga kababayan sa Pilipinas,ā€ ayon sa Pangulo.

ā€œAt ang aking pangarap talaga ay masabi na natin na sapat ang trabaho sa Pilipinas at pagka nagkaroon ng OFW —pagka ang isang Pilipino ay nag-abroad para magtrabaho ito ay dahil pinili niya na pumunta sa abroad, hindi napilitang pumunta sa abroad dahil may trabaho, may magandang buhay sa ating bansa,ā€ dagdag na wika nito sabay sabing ā€œIyan po ang ating pangarap, ā€˜yan po ang ating hinahabol para sa Pilipinas.ā€

Sinabi pa ng Pangulo sa Filipino community ang kahalagahan ng pangangalaga sa “partnerships atĀ  alliances”Ā  sa gitna ng global turbulence at banta ng climate change.

ā€œLahat ito ay kailangan nating pag-usapan at kailangan nating pag-aralan, upang ang ating mga pinaplano ay tumama… at para sa bagong mga negosyo,ā€ ayon sa Punong Ehekutibo.

Tiniyak din ng Pangulo sa mga ito ang patuloy na pagsuporta ng bansa sa pammagitan ng Department of Migrant Workers (DMW) sa pangunguna niĀ  Secretary Susan Ople.Ā Kris Jose

Previous articleEula, kinansel ng Kakampinks, dedma!
Next articleSa kabila ng rate hike suspension, PhilHealth tuloy sa pagpapatupad ng bagong benefit packages