Pangmalakasang ayuda, pasabog sa showbiz media ng isang LGBT icon!

Pangmalakasang ayuda, pasabog sa showbiz media ng isang LGBT icon!

June 30, 2020 @ 10:15 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – In the midst of pandemic ay ginulat ng LGBT Icon na si Wilbert Tolentino ang entertainment and lifestyle media, kasama na rito ang mga bloggers at vloggers, nang in-announce ng kanyang media coordinator na si Roldan Castro na magkakaroon ng Sir Wil Media Challenge at ang grand prize sa mananalo ay tumataginting na P100K.

Bukod dun ay meron ding apat na runner-ups plus sampu pang mananalo ng cash prize na pasok sa Top 15.

And to top it all, lahat ng may entry ay makakakuha ng cash prize bilang tulong na rin ni Wilbert sa mga taga-media na kinokonsiderang no work, no pay sa panahong pataas ng pataas ang bilang ng apektado ng Covid 19.

As expected, kanya-kanyang paandar ang mga kasamahan namin sa industriya, including us. And overall, ang lahat ng participants ay umabot sa 46.

Hindi na rin pinatagal ng team ni Wilbert ang challenge dahil agad nilang in-announce ang mga nanalo, kasama na rin ang nga pangalan ng top 3 na nakakuha ng pinakamataas na number sa FB react.

For the record, here is the list of the top five winners.

Grand winner- Joey Sarmiento
First runner up- Jerry Olea
Second runner up- Rona Avencilla
Third runner up- Gracee Bongolan
Fourth runner up- Jay Patao

Sa panahon ngayon na marami ang nawawalan ng trabaho ay malaki talaga ang naitulong ang kakaibang style na ayuda ng LGBT Icon na si Wilbert.

Congrats sa lahat! Joey Sarmiento

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...