MANILA, Philippines – Muling nagkampeon ang si Filipino Olympian at golfer Juvic Pagunsan sa Japan Golf Tour Pro-Am Tournament noong Linggo sa Ibaraki, Japan.
Tinapos ni Pagunsan ang apat na round ng laro na may kabuuang iskor na 23-under 257 para angkinin ang titulo ng torneo. Ang 45-year old golfer ay inaasahang mag-uuwi ng 12 million yen o humigit-kumulang P4.8 million na halaga ng premyong pera.
Advertisement