Home NATIONWIDE Panibagong alibi ni Quiboloy sa show-cause order, sinopla ni Risa: ‘Magpakita ka...

Panibagong alibi ni Quiboloy sa show-cause order, sinopla ni Risa: ‘Magpakita ka na lang’

MANILA, Philippines – Hindi umubra kay Senador Risa Hontiveros ang panibagong ng alibi ni Pastor Apollo A. Quiboloy sa pagdalo sa imbestigasyon ng Senado hinggil sa akusasyon ng sexual abuse, human trafficking at immoral na pangangalap ng pondo gamit ang miyembro at organisasyon.

Sa panibagong alibi na ipinarating ng abogado ni Quiboloy sa Senado na iakyat sa plenaryo ang show cause order na nilagdaang nina Hontiveros at Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri upang dinggin ang isyu dito.

“Request pa nila, iakyat daw sa plenary ang pag-determine ng show cause order. Sa totoo lang, wala nga sa Rules ang show cause order. It was a courtesy extended to Sen. Robin, at the request of the SP. Kung wala nga sa Rules ang show cause order, much less wala sa Rules na kailangan ng hearing in plenary to resolve the show cause order,” ayon kay Hontiveros.

Kaya’t sinabi ni Hontiveros na hihilingin niya kay Zubiri na aprubahan kaagad ang warrant of arrest laban kay Quiboloy sa patuloy na pagbabalewala nito sa institusiyon.

“I will request the SP to approve the warrant of arrest,” aniya.

Sinabi ni Hontiveros na makukulong lang si Quiboloy sa Senado sa hindi pagdalo sa pagdinig, at hindi para sa mabibigat na paratang ng mga biktima laban sa kanya.

Kabilang sa paratang kay Quiboloy ang sexual abuse at harassment sa miyembrong kababaihan kabilang ang kabataan, human trafficking at posibleng money laundering tulad ng kinahaharap na kaso sa US.

“Ang mga issues na sinabi nila sa kanilang response ay pinahayag na din ng kanyang abogado sa unang pagdinig na pinatawag siya,” paliwanag ni Hontiveros.

Kasabay nito, hiniling din ni Hontiveros sa kampo ni Quiboloy na silipin ang ilang naunang pangyayari sa pagpapa-aresto sa “pasaway” na resource person sa pag-iimbestiga ng Senado.

Inihalimbawa ni Hontiveros ang mga sumusunod:

* Senator Cynthia Villar cited Davidson Bangayan in contempt and ordered his arrest even if criminal charges were already filed against him.

* Senator Bato de la Rosa continued to hear the disappearance of Catherine Camilon even though charges were filed against the police officer believed to have killed her.

* Senator Imee Marcos presented witnesses with covered faces and using aliases in her hearing on people’s initiative.

“At si SP mismo, noong Senate hearings sa pagpatay kay Horacio Castillo, hindi niya tinanggap ang right against self-incrimination excuse at ginamit doon ang contempt power ng Senado. Dahil diyan naipasa ang Anti-Hazing Law of 2018 o R.A. 11053,” ayon kay Hontiveros.

Nagpaliwanag din si Hontiveros laban sa paratang ng abogado ni Quiboloy na pawang incriminatory ang resolusyon na isang paglabag sa karapatan ng akusado alinsunod sa itinakda ng Saligang Batas.

“As to the proposed resolution being incriminatory, uulitin ko: ang Senado ay hindi hukom. It cannot judge guilt or innocence. The Senate resolution is merely PROPOSED. It binds the institution only when passed in plenary. And even then it cannot be a source of rights, duties or liabilities,” ayon kay Hontiveros.

“Magpakita nalang na si Quiboloy bakit ba ang dami pa niyang drama,” diin ng senador. Ernie Reyes

Previous articleMagandang Buhay, nagre-replay na lang, sibak na rin?
Next articleFishery sector binalaan ni Villar vs overfishing: ‘Disyerto sa dagat, possible’