MANILA, Philippines – Posibleng may mabuo na namang bagyo sa susunod na dalawang linggo, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Biyernes, Hulyo 14.
“May possibility na merong mabubuo na bagyo in the next two weeks,” sinabi ni PAGASA officer-in-charge Esperanza Cayanan batay sa two-week tropical cyclone threat forecast.
“Merong nakikita, may probability, but sa ngayon, hindi pa sila buo or wala pa rin sa Philippine Area of Responsibility,” dagdag pa ni Cayanan.
Sinabi naman ni PAGASA weather division chief Juanito Galang na may namataang cloud clusters sa Pacific Ocean.
Ang bagyong Dodong ang kauna-unahang tropical cyclone na nabuo sa bansa ngayong Hulyo at ika-apat ngayong taon.
Ayon sa PAGASA, inaasahan pa ang tatlong tropical storms sa bansa ngayong buwan. RNT/JGC