Home HOME BANNER STORY Panibagong batch ng PDLs palalayain – BuCor

Panibagong batch ng PDLs palalayain – BuCor

MANILA, Philippines – Nakatakdang palayain ng Bureau of Corrections ang panibagong batch ng person deprived of liberty (PDLs) bago matapos ang taon.

Kinumpirma ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapàng Jr na may nakalinya pang 200 PDLs mula sa iba’t ibang detention facility ng Bucor ang palalayain.

Una na rito ay nakapagpalaya ng 1,093 PDLs ang kawanihan na aniya ay lampas sa target ng bureau ngayong Disyembre.

Pinapurihan ni Gen. Catapang ang BuCor personnel na nagtratrabaho ng overtime upang makamit ang target.

Sa kasalukuyan ay patuloy na iniimplemento ng BuCor ang “Bilis Laya” program para sa mga kuwalipikadong for PDLs na makalaya lalo na ang mga nakapagsilbi na ng minimum and maximum penalties. Teresa Tavares

Previous articleLalaki todas sa saksak sa Maynila
Next articlePilipinas inakusahan ng China na nambubuyo sa isyu sa WPS