Home NATIONWIDE Panibagong resupply mission sa Ayungin pinaplantsa ng PH gov’t

Panibagong resupply mission sa Ayungin pinaplantsa ng PH gov’t

MANILA, Philippines- Sinabi ng National Security Council (NSC) na naghahanda ang Philippine government para sa panibagong resupply mission sa Ayungin Shoal sa gitna ng posibleng reaksyon o oposisyon mula sa China.

Inihayag ni NSC Spokesperson Jonathan Malaya na “committed” ang gobyerno sa paghahatid ng kinakailangang suplay sa mga sundalong Pilipino sa kabila ng pagbomba gamit ang water cannon at “dangerous maneuvering” ng Chinese Coast Guard noong August 5.

“Hindi tayo titigil. We will do what is necessary to provide our troops with supply and we will be ready with any eventualities but we will not back down kasi atin ‘yan,” giit ni Malaya.

Subalit, sinabi ng NSC na hindi na sila maglalabas ng karagdagang impormasyon dahil sa ‘security reasons’.

Dumepensa rin ang NSC sa mariing pahayag ng government officials sa pagtatanggol sa karapatan ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.

“All our statements were consistent with President Marcos’ guidance and we have regular consultations with the NTF-WPS and with the Office of the President,” pahayag ni Malaya.

“We don’t go beyond what the President wants us to say and it’s always consistent with the guidance of the President,” dagdag niya.

Binigyang-diin muli ng pamahalaan ng Pilipinas ang kahandaan nito na makaipag-dayalogo sa China.

“We have never closed our door with China for diplomatic relations, we are open on negotiations but with the national intere’st at the core,” dagdag ni Malaya. RNT/SA

Previous articleAra Altamira, humahataw sa Indonesia!
Next articleHuling pagkakataon para sa POGOs hirit ng PAGCOR chief