Home NATIONWIDE Panibagong resupply mission sa Ayungin tagumpay sa kabila ng harassment ng China

Panibagong resupply mission sa Ayungin tagumpay sa kabila ng harassment ng China

MANILA, Phiippines – Matagumpay na naisakatuparan ng Pilipinas ang panibagong resupply mission nito sa Ayungin Shoal sa kabila ng panghaharass muli ng Chinese vessels.

Ayon sa National Task Force-West Philippine Sea (NTF-WPS), matagumpay na nai-deliver ng UNAIZAH MAY 1 at UNAIZAH MAY 2 na ineskortan ng BRP Sindangan ang supplies para sa mga sundalong naka-destino sa BRP Sierra Madre.

Binigyang diin ng NTF-WPS na ang resupply missions at maintenance sa BRP Sierra madre ay bahagi ng kanilang regular operations, alinsunod sa domestic at international law upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga nakatalagang personnel.

Sinabi ni dating US Air Force Official at dating Defense Attache Ray Powell sa post sa X o dating Twitter na kabuuang 12 Chinese militia ships ang idineploy para harangin umano ang resupply mission sa Ayungin Shoal. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous article242 barangay swak sa red category ng election areas of concern
Next articleCOA: 17 lang sa 9,245 na sapul ng COVID vaxx side effect naghain ng claims