Home OPINION PANIBAGONG SPOKESPERSON

PANIBAGONG SPOKESPERSON

NAIULAT ni Metro Manila Development Authority chairman Romando Artes noong nakaraang linggo na kukunin nilang spokesperson o taga-pagsalita ng ahensiya ang sumisikat na aktres na si Ria Atayde.
Kinumpirma rin ni Artes na pumayag na ang aktres sa kanilang balak at naipasa na raw niya ang mga dokumentong kailangan upang maitalaga na si Atayde sa posisyon.
Siguro, kayo ay gaya ko rin, na nagtataka bakit si Ria Atayde? Isang artista sa posisyon itinuturing na ‘assistant secretary o ‘asec’.
Ang salag ni Artes, kwalipikado si Ria sa posisyon dahil mahusay naman itong humarap kanino man. Bukod sa katibayang mayroon siyang ‘communication degree’ sa De La Salle University at sa kanyang malawak na karanasan sa showbiz.
Sabi nga ni Artes, tugma ang aktres sa posisyon dahil sa kanyang ‘celebrity status’ o pagiging sikat, ika nga. Makatutulong nga naman ito kung si Atayde ang magsasalita para sa MMDA. Mas makukuha nito ang atensiyon ng publiko kung may mga nararapat na ipalam ang ahensiya.
Natatandaan ko nga nang mapanood ko si Atayde kung paano ito nakipagbalitaktakan sa kanyang ‘bashers’ nang lumabas ang mga larawan ng aktres sa isang kalendaryo noong January.
Kasi naman, ang napipisil ng MMDA sa posisyon ay medyo malusog o may katabaan, subalit nagpose ito sa kalendaryo, na tingin ko naman ay naiproject niya nang tama. Sabi nga ng iba nating kababayan lalo na ang mga kalalakihan “chubby is the new sexy.”
Naisalag ni Atayde ang kanyang pagpopose sa kalendaryong iyon at pinatunayang siya ay isang “empowered woman.”
Ang kanyang mga sagot sa mga basher ay hindi mo kakikitaan na naiirita siya o napipikon sa mga komento. Bagkus, naipaliwanag niya nang maayos at tama ang kanyang posisyon sa isyung iyon.
Ito rin siguro ang nakita ng MMDA chair sa aktres na maaari itong maging mahusay na taga-pagsalita ng kanilang ahensiya.
Kailangan ng ganitong katangian ang spokesperson ng MMDA, malumanay, malinaw ngunit prangka kapag naghahatid ng kaalaman para sa madla. Handang sumagot nang maayos kahit nababalot ng konrtobersiya ang paksa.
Abangan natin ito!
Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh!

Previous articlePinas ‘di na maglalagay ng OFW shelters sa Kuwait kung…
Next articleMGA RAPIST? GRRR! GRRR!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here