Home HOME BANNER STORY Panibagong transport strike kasado sa Enero 16 – Manibela

Panibagong transport strike kasado sa Enero 16 – Manibela

MANILA, Philippines – Magsasagawa ng panibagong nationwide transport strike ang Manibela sa Enero 16 laban sa public utility vehicle (PUV) modernization program ng gobyerno, inihayag ni chairman Mar Valbuena noong Linggo.

Sa isang public forum, sinabi ni Valbuena na hindi bababa sa 10,000 PUV drivers at operators sa Metro Manila ang sasama sa kilos protesta. Magtitipun-tipon ang mga nagpoprotesta sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman at magpapatuloy sa Mendiola.

Sasali sa protesta ang mga driver at operator ng PUV mula sa Calabarzon at Central Luzon, at iba pang sectoral groups, dagdag niya.

Sinabi ni Valbuena na magkakaroon din ng sabay-sabay na kilos protesta sa iba’t ibang probinsya.

“Sana hindi lamang i-extend yung mga provisional authority kung hindi ipabasura talaga itong pagpapatupad muna ng PUVMP dahil kapos sa pondo, kulang sa pag-aaral, at nandyan ang iniipit, pwershan, ginigipit at sapilitan,” ani Valbuena.

“Ang pakiusap natin sa ating mga congressman ay hindi extension ng deadline of consolidation ang aprubahan, kung hindi extension ng aming mga franchise. Ibalik ng five years na validity habang-uusapan ito (PUV modernization program),” dagdag pa niya.

Ang deadline para sa pagpaparehistro para sa franchise consolidation sa ilalim ng PUV modernization program ay natapos noong Dis. 31. 2023. Ang ilan sa mga nabigong mag-consolidate ay papayagang dumaan sa kanilang mga ruta hanggang Enero 31. Ang mga unconsolidated PUVs ay ituturing na colorum simula Peb. 1.

Sa isang pagdinig noong Miyerkules, iminungkahi ni Santa Rosa, Laguna Rep. Dan Fernandez na hilingin ng transport panel ng Kamara kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na payagan ang mga unconsolidated na PUV na dumaan sa kanilang mga ruta pagkatapos ng Enero 31. Santi Celario

Previous articleSa kabila ng ‘shadowing at dangerous maneuver incidents’ freedom of navigation sa SCS ‘di naging isyu – China embassy
Next articleHouse probe sa Cha-cha signature buying inihain ng Makabayan