Home METRO Panlilinlang tigilan; writ of execution ‘di kailangan sa Parcel 3, 4 ng...

Panlilinlang tigilan; writ of execution ‘di kailangan sa Parcel 3, 4 ng Fort Bonifacio – Taguig

Hindi kailangan ang Writ of Execution para sa jurisdiction ng Taguig City sa Fort Bonifacio Military Reservation parcel 3 at 4 ng Psu-2031.

Ayon sa Taguig, ang “dispositive portion” at ang Supreme Court’s final decision ay clear at “unambiguous”

Mayroong anilang permanenteng pagpigil sa preliminary injunction na ipinalabas ang RTC ng Pasig, na pumipigil sa Makati na iexercise ang jurisdiction, gumawa ng improvements o ituring na bahagi ng teritoryo nito ang Parcels 3 at 4.

Ang permanent injunction laban sa Makati ay hindi nangangailangan ng writ of execution para sa ipatupad ang desisyon.

Nagpakalat pa anila ang Makati ng umano’y initial assessment o opinyon mula sa Office of the Court Administrator (OCA) ng Supreme Court na nagsasabing kailangan pa ng Supreme Court ng writ of execution na ipapatupad ng DILG.

Pero ang mga ganitong pahayag ng OCA ay walang “force of law” at hindi natatalian ang Taguig.

Dahil sa ginagawang misinformation ng Makati, mapipilitan ang Taguig na ituwid ang record at itama ang anumang misinformation at kalituhan na nagawa ng statement nito.

Sinabi pa ng Taguig na non-binding ang opinion at walang legal authority ang OCA dahil mismong Supreme Court ang nagsasabi na hindi ito naglalabas ng advisory opinions.

Taliwas din umano sa umiiral na batas, at walang awtoridad ang OCA sa paghahanap ng writ of execution.

Argumento pa ng Taguig, nilalabag ng Makati ang RA No. 7854 na naghihiwalay sa Parcels 3 at 4 mula sa teritoryo ng Makati at RA No. 8487 na nagsasama naman sa teritoryo ng Taguig.

Nagmalabis din umano ang OCA na maglabas ng opinyon samantalang ang Supreme Court ay walang ganoong opinyon tulad ng OCA.

Ang opinion umano ng OCA ay nagtutulak na magkaroon ng delay at hindi pagsunod sa batas, sa halip na voluntary compliance sa final and executory judgment ng Supreme Court.

Sabi pa ng Taguig na gagawin nito ang lahat ng legal remedies laban sa mga taong nagtatangkang mabalam o hindi matuloy ang implementasyon ng Supreme Court’s Decision. Dave Baluyot

Previous articleDefense chief ‘di kontento sa nirebisang MUP pension reform bill
Next articleBIR exec sa mga Pinoy: Makiisa sa pagkamit ng P2.6T collection target