Home METRO PANOORIN: Padre de pamilya tumalon sa gusali, patay!

PANOORIN: Padre de pamilya tumalon sa gusali, patay!

6536
0

MANILA, Philippines – Lasog ang katawan ng isang padre de pamilya matapos tumalon mula sa ika-13 palapag ng isang gusali sa Sampaloc, Maynila nitong Linggo ng hapon, Setyembre 10.

Sa imbestigasyon ni PCMS Joseph Kabigting, ng MPD-Homicide Section, depresyon sa pamilya ang nagtulak sa hindi pinangalanang biktima na wakasan ang kanyang buhay.

Napag-alaman na kapapanganak lamang ng kanyang asawa at maaaring aburido ang biktima dahil lumitaw sa pagsisiyasat ng pulisya na lagi umano silang nag-aaway nito.

Bago ang insidente, tinangka pang pigilan ng guwardiya na si SG Almar Jundam ang biktima nang umakyat ito sa ikalawang palapag at tinanong kung saan ito pupunta.

“May pupuntahan ako sa itaas,” sagot umano ng biktima saka tuluyang umakyat sa 11th floor gamit ang elevator.

Sinundan ni Jundam ang biktima hanggang 13th floor at inabutan ang biktima na sumisilip sa bintana.

Kinakausap umano nito ang biktima na huwag tumalon.

Gayunman, nagpatuloy sa pagtakbo ang biktima sa gilid ng gusali, tumalon at bumagsak sa kahabaan ng Earnshaw Street na nagresulta ng agaran niyang pagkamatay. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleMga Pinoy sa Morocco ‘di pa humihiling ng repatriation – DFA exec
Next articlePaglilinaw ni Diokno, rice price cap suportado ng economic team

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here