Home NATIONWIDE Pantawid Pasada para sa middle class suportado ng mambabatas

Pantawid Pasada para sa middle class suportado ng mambabatas

215
0

MANILA, Philippines- Sinabi ng mambabatas nitong Lunes na hindi lamang ang pinakamahihirap ang dapat mabenepisyuhan ng Pantawid Pasada Program ng pamahalaan, kundi maging ang middle class na apektado rin ng pagsirit ng presyo ng langis.

“Ang nakikita ko lang defect sa Pantawid Pasada ay hindi natin natutulungan ‘yung middle class natin. Marami sa middle class bumibili nang sasakyan dahil alam naman natin ‘yung public transportation natin ay masikip at hindi ganun ka-episyente,” ani Sen. Sherwin Gatchalian.

Ayon sa Philippine Institute for Development Studies, tinutukoy ng gobyerno ang middle class class bilang mga indibidwal na may kita na dalawa hanggang 12 beses na mas mataas sa poverty line, o halos ₱24,000 at ₱145,000 na family income. 

Nauna nang inaprubahan ng Department of Budget and Management ang paglalabas ng P3 billion fuel subsidy para sa 1.36 milyong drivers sa buong bansa.

Sinabi ni Gatchalian na kailangang busisiin ang panukalang suspendihin ang fuel excise taxes, at sinabing ang pagtapyas ng buwis ay makaaapekto sa government revenues. 

“Pagtinanggal natin ang excise tax, pati ‘yung mga mayayaman, ‘yung mga may-kaya ay mae-enjoy itong pagtanggal ng excise tax,” paliwanag niya.

“Napansin ko kahit mataas ang presyo ng petrolyo, marami sa mga mayayaman ay hindi naman nagpalit ng habit sa pagbabawas ng byahe.”

Sa halip na fuel excise tax suspension, hinikayat ni Gatchalian ang pamahalaan na dagdagan ang tulong sa vulnerable sectors sa pamamagitan ng Pantawid Pasada Program. RNT/SA

Previous articleReporma sa BFP-QC hirit ni Belmonte
Next articleUge, inalmahan ang balitang tegi na!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here