Home NATIONWIDE Panukala sa paggamit ng medical marijuana umusad sa Kamara

Panukala sa paggamit ng medical marijuana umusad sa Kamara

MANILA, Philippines- Pinagsama-sama na ang mga panukala na nagtutulak na payagan ang paggamit ng marijuana para sa medicinal purposes, para sa pag-apruba ng House committee on dangerous drugs, ayon kay Leyte Representative Richard Gomez nitong Biyernes.

Tinukoy ni Gomez, committee vice chairperson, ang House Bill 6783 na naglalayong amyendahan ang Sections  3.J, 11, at 16 ng 2002 Comprehensive Dangerous Drugs Act.

“I’m glad that the Technical Working Group (TWG) already consolidated bills for the medical cannabis bill,” ani Gomez.

“This bill has a Senate counterpart, and hopefully our version will resemble that of the Senate,” patuloy niya.

Sa House public hearings sa proposed bill, iminungkahi ng Department of Health na ang cannabis ay dapat na nasa pharmaceutical form, hindi plant form, upang matiyak na ligtas ito.

Nauna nang sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na pabor siya sa paggamit ng marijuana para sa medical purposes

Matatandaan ding sinabi ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez, isa sa mga may akda ng panukala, na batay sa mga pag-aaral, epektibo ang marijuana upang makatulong sa paglunas sa iba’t ibang medical conditions, kabilang ang cancer, chronic pain, at anxiety, at nakapagpapabuti rin ng appetite at sleep quality para sa mga indibdiwal na nakararanas ng ilang medical conditions.

“My proposal is we apply the rules on alcoholic beverages, softdrinks, even cigarettes which are all bad for health. Maybe the same guidelines [on these products] should be applied on marijuana,” anang mambabatas.

“This would protect consumers from potentially harmful counterfeit products, some laced with other drugs classified as dangerous. As for revenues generated, taxes collected could be used for social programs: housing, schools, hospitals, roads, bridges, and markets,” patuloy ni Alvarez. RNT/SA

Previous articleNavotas tumanggap ng cash aid para sa mga kabataan
Next articleCristy, kinumpirmang hiwalay na ang KathNiel!