Home NATIONWIDE Panukala sa pagpapalakas sa PH coffee industry lusot na sa komite

Panukala sa pagpapalakas sa PH coffee industry lusot na sa komite

MANILA, Philippines – Aprubado na ng House Committee on Agriculture ang substitute bill na naglalayong magtatag ng pambansang programa para sa pagpapaunlad ng industriya ng kape sa Pilipinas.

Ayon kay Quezon Rep Mark Enverga, Chairman ng nasabing commitee, na mismong si House Speaker Martin Romualdez ang nanguna sa pagsusulong ng panukala kung saan nakapaloob dito ang pagtatatag ng Philippine Coffee Council.

Kumpiyansa si Enverga na agad na maipapasa ang panukala lalo at suportado ito ng mga consumers at industry partners.

Sa oras na maisabatas ay iimplementa ang Philippine Coffee Industry Roadmap at magtatag ng Philippine Coffee Council na siyang magdidirekta, mangasiwa, at magmonitor sa pag-unlad ng industriya ng kape sa Pilipinas.

Ang roadmap ay magsisilbing gabay ng mga nagsusulong ng industriya ng kape para sa pinakamainam na pagsasakatuparan ng mga layunin, tungo sa isang sustainable at globally competitive Philippine Coffee Industry.

Sa oras na maisabatas ang Department of Agriculture ang magiging lead agency at nasa P500 Million ang ilalaan na inisyal na pondo para sa programa. Gail Mendoza

Previous articleKamara, MMDA may libreng sakay
Next article2 Filipino tutulungang makaalis sa Myanmar sa nagpapatuloy na tensyon – DFA