Home NATIONWIDE Panukala vs sexual orientation, gender discrimination umusad na sa Kamara

Panukala vs sexual orientation, gender discrimination umusad na sa Kamara

215
0

Inaprubahan na ng House committee on women and gender equality ang substitute bill para sa pagbibigay proteksyon laban sa diskriminasyon sa ilang indibidwal dahil sa kanilang sexual orientation, gender identity, gender expression o sex characteristics (SOGIESC).

Layon ng panukala na gawing discriminatory at illegal ang ang pag-advertise ng mga textbook o anumang babasahin na nagpapakita ng diskriminasyon sa SOGIESC; hindi pagbibigay serbisyo sa indibiwal dahil ginagawang basehan ang kanyang SOGIESC; pagtanggi na makakuha ng trabaho , pagsibak sa tungkulin o educational training kabilang na sa police at military academies o anumang training institutions; pagdiskrimina sa mga estudyante dahil sa kanilang orientation; hindi pagtanggap sa mga public at private medical o health services; hindi pagtanggao sa mga establishimento at pagkaroon ng gender neutral toilets.

Patatawan din ng parusa ang sinumang na maghaharass at magbabanta sa mga SOGIESC lalo na sa hanay ng mga law enforcers kasama na dito ang extortion, physical, verbal abuse at sexual abuse.

Ikinatuwa naman ng Gariela Women’s Party ang pag-usad ng panukala sa Kamara.

“We, in the Gabriela Women’s Party, laud the committee approval of the Sexual Orientation, Gender Identity, Gender Expression, or Sex Characteristics (SOGIESC) equality bill. This is a step towards the long-overdue enactment of a legislation which will prohibit all forms of discrimination and harassment against the LGBTQIA+ community,” pahayag ni House Assistant Minority Leader Arlene Brosas ng Gabriela party-list.

Advertisement

“Naninindigan kami na karapatan ng bawat miyembro ng LGBTQIA+ na makatamasa ng pantay na karapatan sa edukasyon, trabaho, serbisyong kalusugan, at iba pa ng walang takot at pangamba. Taliwas sa sinasabi ng mga kritiko, ang SOGIESC equality bill ay hindi sagabal sa kagustuhan natin na magkaroon ng pagkakapantay-pantay sa ating lipunan, bagkus, ito ay isang malaking ambag sa ating adhikain na isulong ang karapatan ng bawat Pilipino anuman ang kasarian,” giit pa ni Brosas na isa sa may akda ng panukala.

Sa oras na maisabatas ang sinumang lalabag ay maaaring patawan ng multa na P100,000 hanggang P500,000 bukod pa sa pagkakabilanggo ng 1 hanggang 12 taon. Gail Mendoza

Previous articleTask Force El NiƱo binuo ng Makati City
Next articleDOH muling nanawagan sa senior citizens: Magpa-booster na!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here