MANILA, Philippines – Inaprubahan ng House of Representatives sa ikalawang pagbasa ang panukalang batas na magpapataw ng ₱500,000 multa sa mga nuisance candidates tuwing halalan.
Ang House Bill (HB) No. 11317 ay naglalayong pawalang-bisa ang certificate of candidacy (COC) ng mga kandidato na walang tunay na layuning maglingkod.
Ayon sa panukala, maituturing na nuisance candidate ang sinumang nag-file ng COC para sa pera, kita, o iba pang benepisyo. Kabilang sa mga ipinagbabawal na gawain ang:
a) Pagtutuya o panlilibak sa halalan
b) Paglikha ng kalituhan sa mga botante gamit ang magkatulad na pangalan
c) Pagtanggap ng pera o benepisyo kapalit ng pagtakbo
d) Walang tunay na hangaring tumakbo sa eleksyon
Inaasahang aaprubahan ito sa ikatlo at huling pagbasa bago mag-recess ang Kongreso.
Ang halalan sa Mayo 12, 2025 ay patuloy na pinaghahandaan ng mga mambabatas. RNT