Home NATIONWIDE Panukalang charter change, nabaon na sa limot – Padilla

Panukalang charter change, nabaon na sa limot – Padilla

405
0

MANILA, Philippines – Inihayag ni Senador Robin Padilla na tuluyan nang namatay ang isinusulong na panukalang charter change upang amyendahan ang mahigpit na probisyon sa ekonomiya ng 1987 Constitution.

Sa pahayag, sinabi ni Padilla, chairman ng Senate committee on constitutional amendments revision of law and codes na wala nang panahon upang talakayin ang charter change sa ngayon dahil nakatakda nang magbakasyon ang Kongreso sa sine die adjournment sa Hunyo 2.

“As Congress goes into a sine die adjournment on June 2, the bill seeking amendments to the 1987 Constitution, particularly its “restrictive” economic provisions, is practically dead,” ayon kay Padilla.

“Ang malungkot talagang yung apat na PDP-Laban ang sumasangayon dun sa committee report,” giit pa ni Padilla sa press briefing sa Senado.

“Yung ibang kasama natin na ginagalang natin wala silang sagot o pirma,’’ aniya.

Kabilang sa miyembro ng PDP-Laban members sina Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa, Francis ‘Tol’ Tolentino at Padilla.

Naipamahagi na ang kopya ng committee report sa lahat ng senador.

Inamin ni Padilla na may ilang kasamahan ang nagpayo o nagparamdam sa kanya na walang kahihinatnan ang kanyang panukala kahit naipasa ito sa Mababang Kapulungan.

Kahit si Senate President Juan Miguel Zubiri ang nagsabi na nakatuon ng Senado sa 10 panukalang batas na pinagkasunduan sa Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC).

Hindi rin siya makahingi ng suporta sa Palasyo dahil lilitaw na under ng executive branch ang Senado.

Kaya nang itanong kung tuluyan nang namatay ang charter change, ayon kay Padila: ‘’Yung economic provisions nasabay sa gulo sa malaking kapulungan .’’

‘’Kung may naiisip silang paraan for economic na hindi kailangan ng amendya ng constitution edi sige hindi naman ako mahirap kausap’’ dagdag niya.

“The Senate may reject it. I can lose, but I’d rather the people know I stood firm on my position. I want that more. It’s not important that I win but I end up bowing. No way,” pagtatapos ng senador. Ernie Reyes

Previous articleTV sa lobby ng mga istasyon ng pulis sa Metro Manila, bawal na – NCRPO
Next articlePagdedeklara ng Agosto 1 bilang special working holiday, aprub sa Kamara

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here