Home HOME BANNER STORY Panukalang dagdag na P100 minimum wage sinusuri ng ng Kamara

Panukalang dagdag na P100 minimum wage sinusuri ng ng Kamara

MANILA, Philippines – Sinusuri na ng House of Representatives ang pagdadagdag ng P100 sa pang-araw-araw na minimum na sahod para sa mga manggagawa sa pribadong sektor na iminungkahi ng Senado, pero binabalanse nila ang interes ng mga manggagawa at maliliit na negosyo.

Sa press conference nitong Huwebes, Pebrero 16, pinuri ni House Deputy Majority Leader Janette Garin ang Senado sa pag-apruba ng P100 daily wage hike bill sa ikalawang pagbasa, ngunit hindi pa rin sapat ang halaga para matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng pamilya ng mga manggagawa.

“Naipasa nila ‘yung PHP100 wage hike. Iyan nga ay patuloy na dini-delibrate dito sa Kongreso kasi maganda ang intensyon. Pero parang mababa ‘yung PHP100. Kasi sa mahal ng mga bilihin ngayon, parang hindi siya sang-ayon sa pangangailangan ng taumbayan,” ani Garin.

Sinabi niya na tinitingnan ng Kamara ang posibilidad ng P350 na dagdag sahod.

Gayunpaman, idiniin niya na ang panukala ay dapat ding isaalang-alang ang mga interes ng mga manggagawa at pribadong kumpanya, lalo na ang mga mula sa micro, small, and medium enterprises (MSMEs) na binubuo ng mahigit 90 porsiyento ng lahat ng negosyo sa bansa at gumagamit ng milyun-milyong mga Pilipino.

“Pero andun kase ‘yung balance. Magandang gumawa ng batas pero mahirap magpaasa kung walang pag-asa. Kasi pag tinaas natin ‘yung sweldo, dapat ‘yung kaya ng ating mga negosyante, e sa Pilipinas, 98 to 99 percent of the business sector are MSMEs,” ayon pa sa solon.

Idinagdag niya na dapat ding tingnan ng Kongreso ang mga potensyal na epekto ng pagpasa ng isang batas na pagtaas ng sahod, tulad ng mga pagsasara ng negosyo at mga tanggalan. RNT

Previous article2 suspek sa pananambang sa doktora sumuko; mga suspek nasa edad 16-18 lang
Next articleHeart, hinatid ng ina sa altar!