MANILA, Philippines- Umaasa ang Government Service Insurance System (GSIS) na makakukuha ito ng paglilinaw kaugnay sa panukalang reporma sa pension scheme ng military at uniformed personnel.
“The measure needs to iron out on whether the state pension fund will be managing the funds,” ayon kay GSIS president at general manager Jose Arnulfo Veloso.
Kapag ang GSIS aniya ang inatasan na humawak sa pondo, kailangan nito ng “fresh financial infusion” mula sa gobyerno.
“Kung kami po magma-manage ng pondo na ito, hindi po namin imi-mix ‘yung pondo ng ating government employees with the military and uniformed personnel,” ayon kay Veloso sa isang panayam.
“There should be no co-mingling of funds and we will require infusion of fresh funds from the national government to be able to address this,” dagdag na wika nito.
Sa kabilang dako, inilarawan naman ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang kasalukuyang military pension system bilang isang “big drain to the national budget.”
Ani Diokno, may pagtataya na gagastos ang pamahalaan ng P848.39 billion annually para sa susunod na 20 taon para tustusan ang kasalukuyang pension system.
“Talagang unsustainable kaya nga po napunta ito sa diskusyon at ang atin pong secretary of finance is concerned about this primarily because of the amount that is being culled from the national budget and they’re not thinking of the current ones but the future,” ani Veloso.
Advertisement