Home NATIONWIDE Panukalang nagdedeklara sa Abril na National Basketball Month lusot na sa Kamara

Panukalang nagdedeklara sa Abril na National Basketball Month lusot na sa Kamara

MANILA, Philippines- Inaprubahan ng Kamara ang panukala na nagdedeklara sa Abril bilang National Basketball Month sa Pilipinas.

Nakalusot ang House Bill No. 8268 sa ikatlo at huling pagbasa nitong Miyerkules na nakakuha ng 272 affirmative votes mula sa mga mambabatas.

Inakda ito ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez at iba pang mga mambabatas.

Nilalayon nito na gunitain ang sport ng basketball at positibong epekto nito sa kultura ng mga Pilipino. Nais din nitong isulong sa pamamagitan ng basketball ang kahalagahan ng physical activity athealthy lifestyle sa lahat ng edad.

Sa ilalim ng panukala, inatasan ang Philippine Sports Commission, sa pakikipagtulungan sa Philippine Olympic Committee, Department of Education, Commission on Higher Education, Games and Amusements Board, Department of the Interior and Local Government, at concerned National Sports Association, na maghanda at magpatupad ng annual program of activities.

“We would like to institutionalize the annual celebration of National Basketball Month in all provinces, cities, municipalities, and barangays to promote basketball in the local government units and educational institutions,” sabi ni Romualdez. RNT/SA

Previous articleLRT-1 Cavite extension nais pangasiwaan ni Manny Villar
Next articleMarc, bet pakasalan si Kris sa January 1!