MANILA, Philippines- Hindi na binusisi ang panukalang ₱10.7-billion budget ng Office of the President para sa susunod na taon, sa budget hearing nitong Martes matapos itong aprubahan agad ng House Committee on Appropriations.
Iminungkahi ni Abra Rep. Ching Bernos ang terminasyon ng budget hearing base umano sa “parliamentary courtesy,” ang tradisyon kung saan agad na tinatapos ng Kamara ang budget hearings ng Office of the President at Office of the Vice President bilang paggalang sa dalawang opisina.
Tinutulan naman ito ng ilang miyembro ng minority bloc.
Nire-railroad natin yung deliberation. We should give members the right and the time na maghabol yung kanilang mga objections,” giit ni Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel.
“Hindi po pwedeng minamadali ito (dahil) budget ng Office of the President yung pinag-uusapan,” dagdag niya.
Gayundin, inihayag ni Manuel at Alliance of Concerned Teachers Party-list Rep. France Castro ang pagtutol, subalit binawi rin ito ni Castro kalaunan.
“At the point that the objection (of Rep. Castro) was withdrawn, then, automatically the motion to terminate the budget briefing was carried,” paglilinaw ni Makati Rep. Stella Quimbo, na siyang Appropriations Committee vice chair.
Sa kabila ng pagtutol ni Manuel, itinuloy ng Kamara ang pagpayag nito. Binigyan naman ang mga miyembro ng minority were na ilatag ang kanilang manifestations.
Sinita ni Manuel ang he “excessive” travel expenses ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at pagpapalawig ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
“It (NTF-ELCAC) is a form of encroachment na patuloy na babantayan at tatakutin ang ating mga civilian organizations and individuals,” sabi ni Manuel.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, gagamitin ang panukalang ₱10.7-billion budget para sa mga pulong ng Pangulo sa loob at labas ng bansa at para sa infrastructure work sa Malacañang at The Mansion House sa Baguio City. RNT/SA