Home NATIONWIDE Panukalang pagbuo ng OFW wing sa regional hospitals muling binuhay ni Tulfo

Panukalang pagbuo ng OFW wing sa regional hospitals muling binuhay ni Tulfo

213
0

MANILA, Philippines – Muling binuhay ni Senador Raffy Tulfo ang panukalang pagbuo ng lugar sa mga regional hospital kung saan matutugunan ang pangangailangan ng mga overseas Filipino workers (OFW) at mga dependents nito.

Ito ay kasunod ng pag-inspeksyon niya sa OFW hospital sa Pampanga na sinabi niyang hindi nagagamit ng maayos.

“Ang aking suggestion… mag-create na lang ng tinatawag na OFW wing sa lahat ng mga regional hospital sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas. In that way, it will be accessible to everybody. Hindi ‘yung nasa isang lugar lamang tulad d’yan sa Pampanga na napakalayo at maraming hindi nakakaalam,” sinabi ni Tulfo nitong Biyernes, Hulyo 7.

“So ‘pag nagkaroon ng OFW wing sa lahat ng regional hospitals all over the country, then lahat ng OFWs from different parts of the country ay makikinabang pati na rin ang kanilang dependents,” dagdag niya.

Para kay Tulfo, ang OFW Hospital sa Pampanga ay dapat pamahalaan ng Department of Health dahil sila ang may kaalaman sa pagpapatakbo ng mga medical facility, ngunit patuloy pa rin namang babantayan ng Department of Migrant Workers (DMW).

“Nakakatawa nga dun sa kanilang paliwanag. Hindi kapani-paniwala sinasabi nila kulang sila sa manpower at bago lang daw ang pag-transfer ng ospital na ‘yon from DOLE to them. In that case, ang sabi ko dapat i-transfer na lang ang pamamahala at pagpapatakbo sa DOH kasi meron silang kakayahan at kaalaman,” anang Tulfo.

“Sila na lang sa oversight then sila na lang doon sa screening para malaman kung sino talaga ang qualified na matanggap sa facility na ‘yon,” dagdag pa niya.

Nitong Huwebes, nangako ang DMW na patuloy nitong pagbubutihin ang mga pasilidad at staffing sa OFW Hospital kasunod ng surprise inspection ni Tulfo.

Sa ngayon ay mayroong nasa 200 staff members sa ospital na binubuo ng 46 na doktor, 72 nurse, at iba pang staff. RNT/JGC

Previous articleFRASCO, NIRATRAT NG KONTROBERSYA
Next articlePROBLEMA SA MGA EMBAHADA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here