Home METRO Panukalang paghahati sa pinakamalaking barangay sa Pinas sa 6, oks Senate commitee

Panukalang paghahati sa pinakamalaking barangay sa Pinas sa 6, oks Senate commitee

450
0

MANILA, Philippines- Inaprubahan ng Senate committee nitong Martes ang panukalang naglalayon na hatiin ang Barangay Bagong Silang sa Caloocan City– pinakamalaking barangay sa Pilipinas sa sukat at populasyon– sa anim na independent villages.

Inaprubahan ng Senate committee on local government ang House Bill No. 5819 na inihain ni Caloocan 1st District Rep. Oscar “Oca” Malapitan.

“There being no more matters to take up, House Bill No. 5819 is hereby approved at the committee level and will be submitted to the plenary already for deliberation,” ayon kay panel chair Senator JV Ejercito sa hearing.

Tinangka nang hatiin noon ang Barangay Bagong Silang – sa inihaing panukala sa 15th Congress. Subalit hindi ito nkaabot sa Senado bago matapos ang congressional term.

Batay sa Philippine Statistics Authority, sinabi ni Malapitan na ang Barangay Bagong Silang ay may populasyong 261,729 indibidwal o 55,087 households.

Sa sukat naman, saklaw ng barangay ang 524.68 ektarya ng lupa sa Caloocan City. RNT/SA

Previous articleTaas-sahod, hirit ng mga guro sa sirit-presyo ng bilihin
Next articleBenepisyo ng ROTC sa mental health, depende sa estudyante – Vergeire