
MANILA, Philippines- Ipinasa sa Kamara ang panukalang mag-aamenda sa election laws upang bigyang-daan ang mas mataas na ceiling para sa authorized campaign expenses, sa ikatlo at huling pagbasa.
Inaprubahan ang House Bill No. 8370, na nagsusulong na amendahan ang ilang bahagi ng Republic Act No. 7166, sa sesyon nitong Miyerkules matapos itong paboran ng 268 mambabatas.
Kapag naisabatas, aamendahan ang Section 13 ng Republic Act No. 7166 upang payagan ang sumusunod na per-voter expenditures:
P50 kada botante para sa presidential candidates
P40 kada botante para sa vice presidential candidates
P30 kada botante sa senatorial, district representative, gubernatorial, vice gubernatorial, board member, mayoral, vice mayoral, councilor, at party-list representative candidates