Panukalang palitan ang pangalan ng NAIA, dinistansiyahan ng Palasyo

Panukalang palitan ang pangalan ng NAIA, dinistansiyahan ng Palasyo

June 30, 2020 @ 8:40 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Dumistansya ang Malacañang sa hakbang ng mga mambabatas na palitan ng pangalan ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at gawing Paliparang Pandaigdig ng Pilipinas.

Ani Presidential Spokesperson Harry Roque, ibibigay nila ito sa Kongreso.

“Iniiwan po namin iyan sa Kongreso dahil kinakailangan po ng batas kung kinakailangang baguhin ang pangalan ng NAIA (We leave it to the Congress because there is a need for a law to rename NAIA),” aniya sa virtual presser.

Maaalalang nitong nakaraan ay inihain ni Deputy Speaker Paolo Duterte ang House Bill No. 7031 kung saan isinusulong ang pagpapalit ng pangalan ng paliparan.

“We need a more representative branding for the international gateway of our country, thus our proposal renaming NAIA to the Paliparang Pandaigdig ng Pilipinas. Aside from it bearing our country’s name, it is in our national language,” lahad ni Duterte.

Kaugnay nito, binatikos naman ni Vice President Leni Robredo ang naturang plano ng mambabatas at kinuwestiyon pa ang kanilang “sense of history”. RNT/FGDC

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...