Home NATIONWIDE Panukalang personal finance education bago ikasal, umarangkada na sa Kamara

Panukalang personal finance education bago ikasal, umarangkada na sa Kamara

MANILA, Philippines – Pasado na sa House Committee on Population and Family Relations ang House Bill 5288 na naglalayong magkaroon muna ng personal finance education ang mga ikakasal bago ito bigyan ng marriage license.

Layon ng panukala na maturuan muna ang ikakasal sa aspeto ng pinansyal bago ito pumasok sa buhay mag asawa.

“Marami tayong experiences, mga kaibigan, kababayan natin, nagpakasal, pagkatapos ng ilang buwan, ilang taon, naghihiwalay dahil sa hindi pagkakaunawaaan sa aspetong pinansyal. ‘Yun ang nais natin bigyan ng solusyon, na ang lahat ng kababayan natin na nagpa-planong mag-asawa ay mabigyan ng preparasyon sa aspetong pang-ekonomiya at pinasyal,” paliwanag ni Bukidnon Rep Jose Manuel Alba.

“It encourages our kababayans na mag-save, maghanda sa mga pangangailangan nila, hindi lang sa kasal, kundi sa pagpapanganak ng asawa, sa pagpapa-aral sa mga bata, and later on sa retirement mismo ng mag-asawa,” dagdag pa nito.

Sa oras na maisabatas, kailangan kumpletuhin muna ng ikakasal ang personal finance education na ibibigay ng Local Family Planning Office at sa oras na makumpleto ito ay iisyuhan ng Certificate of Compliance na syang magiging basehan sa pag-isyu ng marriage license.

Kasama sa seminar na ibibigay ay kaalaman sa behavioral finance, savings, emergency and resilience fund, debt management, investment, insurance at retirement planning. Gail Mendoza

Previous articleClimate change mitigation muling ipinanawagan ni VP Sara sa Yolanda anniv
Next articlePaghahatid ng BrahMos supersonic missile sa bansa, inihahanda ng India