Home NATIONWIDE Panukalang PH National Games oks na sa Kamara

Panukalang PH National Games oks na sa Kamara

MANILA, Philippines- Basketball, billiards, e-sports, football, skateboarding, surfing, wushu. 

Ito ang ilan sa sports kung saan maaaring makipagtagisan ang mga atletang Pilipino kapag naisabatas ang panukalang biennial Philippine National Games (PNG)– isinusulong na maging premier national sports competition ng bansa.

Inaprubahan ang House Bill (HB) No.8468, na naglalayong itatag ang PNG, sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara nitong Miyerkules, sa 275 affirmative votes. 

“Filipinos have an innate love for sports and friendly competition. This urge to compete has brought a lot of honors to country in the international arena, but it all starts at home. Through these Philippine National Games, we aim to nurture and develop this aptitude for athletics,” pahayag ni Speaker Martin Romualdez, pinuno ng Kamara.

Sa pamamagitan ng PNG, matutukoy at mapaghuhusay ng bansa ang “outstanding athletes” na may potensyal maging katang-tangi sa iba’t ibang sports, at mailagay ang bansa sa “forefront” ng international sports competitions. 

Kabilang sa nilalayong mapabilang sa official sports sa PNG ang mga sumusunod: aquatics, archer, arnis, athletics, badminton, baseball, basketball, billiard and snookers, bowling, boxing, canoe-kayak, chess, cycling, dancesport, e-sports, fencing, floorball, football, futsal, golf, gymnastics, handball, hockey, jiu-jitsu, judo, karate, lawn tennis, modern pentathlon, muay thai, pencak silat, petanque, rowing, at rugby. 

Kasama rin dito ang sailing, sambo, sepak takraw, shooting, skateboarding, softball, soft tennis, squash, surfing, swimming, table tennis, taekwondo, tennis, triathlon, volleyball, weightlifting, wrestling, at wushu. 

Isasagawa ang PNG kada dalawang taon, na magiging venue para sa National Sports Associations (NSAs) sa pagsusulong ng kani-kanilang sports programs sa grassroots level, na magbibigay-daan sa koneksyon sa local government unit (LGUs). 

Gayundin, magsisilbi itong feeder program para sa student-athletes na gagawing prayoridad sa paggawad ng full scholarship sa secondary education program sa National Academy of Sports. 

“This will also encourage all local government units to promote the development of sports in the countryside covering all provinces, cities, municipalities, and barangays,” ani Romualdez.

Sa ilalim ng HB No.8468, lilikhain ang PNG Board bilang pangunahing policy-making at coordinating body para sa paghahanda ng PNG. 

Kabibilangan ang Board ng pitong miyembro: (a) Executive Secretary, chairperson; (b) Secretary ng Department of the Interior and Local Government (DILG), vice chairperson; (c) Chairperson ng Philippine Sports Commission (PSC), secretary general; (d) Secretary ng Department of Education (DepEd), member; (e) Chairperson ng Commission on Higher Education (CHED), member; (f) Secretary ng Department of National Defense (DND), member; at (g) President ng Philippine Olympic Committee (POC), member. RNT/SA

Previous articleAndrea, napatawad na si Ricci, willing makipagkita!
Next articleDisaster food banks para sa quick relief delivery isinusulong sa Kongreso