Home METRO Panuntunan sa ‘Padyak Paranaque sa Kalusugan’ inilabas

Panuntunan sa ‘Padyak Paranaque sa Kalusugan’ inilabas

96
0

MANILA, Philippines – Nag-isyu ng guidelines ang lokal na pamahalaan ng Parañaque para sa aktibidad ng ‘Padyak Parañaque sa Kalusugan’ na gaganapin sa darating na Sabado, Pebrero 11 sa Ayala Malls, Manila Bay, Aseana Avenue, Barangay Tambo, sa lungsod.

Sinabi ni Parañaque City Mayor Eric Olivarez, ang ‘Padyak Parañaque sa Kalusugan’ ay proyekto ng City Health Office (CHO) na kabilang din sa mga nakatakdang aktibidad kaugnay sa selebrasyon ng ika-25 cityhood anibersaryo ng lungsod.

Ayon kay Olivarez, ang aktibidad ay libre at bukas sa 800 kalahok na nasa edad 6 na taon pataas kung saan ang mga lalahok na mas mababa sa 18-taong gulang agn edad ay kinakailanagan na magsumite ng parent’s consent pati na rin ng katunayan na may kumpletong baksinasyon at kasama ang kanilang mga magulang sa naturang aktibidad.

Sinabi rin in Olivarez na ang mga kalahok na mga bata ay nararapat na nakasuot ng helmet at iba pang protective gear samantalang ang lahat ng kalahok sa aktibidad ay may sariling gagamitin nasa kondisyon na bisikleta at maging responsable sa kanilang kaligtasan, sumunod sa regulasyon at patakaran mula sa mga technical officials at marshals.

Napag-alaman din kay Olivarez na maaaring magpahinga ang mga kalahok ngunit papayagan lamang ang mga ito sa loob ng ruta ng cycling event habang ipinagbabawal naman ang pagsasagawa ng shortcuts sa kaganapan ng aktibidad.

Dagdag pa ni Olivarez na dalawa ang daraanang ruta para sa mga kalahok na nasa edad 6 hanggang 17 at 18-taong gulang pataas habang may inilagay namang mga water stations na matatagpuan sa start, finish at kalagitnaan ng cycling route. James I. Catapusan

Previous articleP45M plastic upcycling facility binuksan sa Antipolo
Next articleRuffa, nag-alala kay Ylmaz sa lindol!