Home NATIONWIDE PAO chief nag-sorry sa SC sa ma naging pahayag sa social media

PAO chief nag-sorry sa SC sa ma naging pahayag sa social media

265
0

MANILA, Philippines – Humingi na ng dispensa sa Supreme Court (SC) si Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Rueda Acosta hinggil sa mga naging pahayag nito ukol Section 22, Canon III ng Code of Professional Responsibility and Accountability (CPRA).

Tugon ito ni Acosta matapos siyang atasan ng SC na magsumite ng paliwanag kung bakit hindi dapat patawan ng contempt of court dahil sa walang tigil na tirada nito sa publiko laban sa Canon III, Section 22 ng CPRA kung saan sinabi ni Acosta na illegal ang naturang section at isa umano itong panghihimasok sa trabaho ng PAO.

Sa isang pahinang kalatas, inihayag ni Acosta na ang kaniyang mga naging pahayag sa social media ay dulot lamang umano ng naisin ng PAO na pagsilbihan nang lubusan ang kanilang mga kliyente at ang mga mahihirap na nangangailangan.

“Sa ngalan po ng aming mga abogado sa Public Attorney’s Office at ng inyong lingkod, ako po ay buong pagpapakumbaba at marespetong humihingi sa inyo ng taos sa pusong paumanhin kung kayo man po ay nasaktan sa mga pangyayari.”

Salig sa section 22 ay maaari nang kunin ang serbisyo ng PAO lawyers ng magkalaban na partido sa isang kaso.

Sa kalatas, tiniyak ni Acosta na tatalima ang buong PAO sa itinatakda ng CPRA.

“Muli po, lubos po ang aming respeto at pagmamahal sa Korte Suprema, na siyang aking naging unang kanlungan at tahanan sa
pagseserbisyo sa publiko mula pa noong 1988 o humigit kumulang 35 taon na ang nakakaraan. Taos sa pusong paumanhin po… makakaasa po kayo na ang mga Public Attorneys ay susunod sa “Section 22 in relation to Sections 13 at 18, Canon III” ng Code of Professional Responsibility.” Teresa Tavares

Previous articlePolish national na sangkot sa droga, inaresto ng BI
Next articleBARMM nagpaabot ng P83M ayuda sa SGA farmers sa NoCot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here