Home HOME BANNER STORY PAO chief pinadalan ulit ng show cause order ng SC

PAO chief pinadalan ulit ng show cause order ng SC

MANILA, Philippines – Nakuha muli ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Atty. Persida V. Rueda-Acosta ang atensyon ng Korte Suprema bunsod ng inilabas nitong kautusan sa mga abugadong nasailalim ng PAO.

Sa resolusyon ng Supreme Court En Banc, inatasan si Acosta na magpaliwanag kung bakit hindi siya dapat patawan ng parusa bilang miyembro ng Bar bunsod ng inisyu na Office Order No. 096, Series of 2023.

Batay sa Office Order, ipinauubaya na sa mga Public Attorneys ang pagpapasya kung tatalima sa Canon III, Section 22 ng Code of Professional Responsibility and Accountability (CPRA).

Sa nasabing Office Order pinapayuhan rin ang Public Attorneys na itugma o alamin kung tugma ito sa probisyon naman ng Article 209 ng Revised Penal Code hinggil sa Betrayal of trust na dahilan upang mapanagot sa batas ang isang abugado.

Ayon sa Korte Suprema ang Office Order ni Acosta ay isang pahiwatig na ang pagsunod ng mga Public Attorney sa itinatakda ng CPRA ay mistulang paglabag sa Article 209 ng Revised Penal Code.

Hinihikayat din sa Office Order ng PAO na maging maingat sa paghawak ng mga conflict-of-interest cases bilang proteksyon sa kanilang buhay.

Iginiit ng SC na ang kautusan ni Acosta ay mapanlaban at walang pakundangan.

“The Court deemed the foregoing instructions in Atty. Acosta’s Office Order as belligerent and disrespectful as she effectively accused the Court of directly exposing the Public Attorneys not only to criminal and administrative liability, but also physical danger. Thus, although it presented itself as a directive to comply with Canon III, Section 22 of the CPRA, the Office Order further instigated disobedience to the said rule.”

Magugunita nitong July 11 lamang ay inatasan ng Korte Suprema si Acosta na magpaliwanag kung bakit hindi ito dapat parawan ng kasong indirect contempt dahil sa mga pahayag sa social media kontra sa bagong CPRA. Teresa Tavares

Previous articlePatay sa gumuhong tulay sa Davao City, lima na
Next article₱20 kada kilong bigas, maaabutin din natin – Bersamin