Home NATIONWIDE PAO Chief pinagmulta ng P180K ng SC sa indirect contempt of court

PAO Chief pinagmulta ng P180K ng SC sa indirect contempt of court

MANILA, Philippines – Pinagmulta ng Supreme Court si Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida V. Rueda-Acosta bunsod ng naging pahayag nito sa social media laban sa bagong probisyon sa Code of Processional Responsibility and Accountability (CPRA).

Sa unanimous vote ng Supreme Court En Banc idineklara si Acosta na nagkasala ng indirect contempt of court sa ilalim ng Section 3(d), Rule 71 ng Rules of Court at Grossly Undignified Conduct Prejudicial to the Administration of Justice sa ilalim ng Section 33, Canon VI ng Code of Professional Responsibility and Accountability (CPRA).

Bunsod ito ng pagtutol ng PAO chief sa bagong
“conflict of interest” rule kung saan maari ng maging kinatawan ang mga PAO lawyers sa magkalaban na partido sa kaso.

Ipinataw kay Atty. Acosta ang multa na PHP 30,000.00 para sa indirect contempt of court at PHP 150,000.00 para sa Grossly Undignified Conduct Prejudicial to the Administration of Justice,

Ayon sa SC ang mga pahayag ni Acosta sa kanyang Facebook page ay may masamang hangarin at malisya.

Sinabi ng Korte na pinilit din ni Acosta na impluwensyahan ang opinyon ng publiko ng maglunsad ito ng public campaign laban sa “conflict of interest rule” at isapubliko pa ang liham ng PAO kay Chief Justice Alexander G. Gesmundo na humihiling na mabasura na ang naturang probisyon.

“Atty. Acosta tried to sway the public opinion in order to pressure the Court into yielding to her position.”

Nilabag ni Acosta ang kanyang tungkulin na igalang ang Korte at igalang ang mga batas at legal processes.

Sa halip na iutos sa mga public attorneys na sundin ang bagong patakaran, nanguna pa si Acosta sa pagsuway sa bagong rule.

Nagbabala ang SC na mas mabigat na parusa ang kakaharapin ng PAO chief sa sandaling maulit muli ang insidente. Teresa Tavares

Previous article2,742 insidente ng sunog naitala agad sa 2024
Next articleVP Sara nagpaliwanag na sa buradong EDSA Revolution message