Home ENTERTAINMENT Paolo at Yen, nagkasawaan?

Paolo at Yen, nagkasawaan?

Manila, Philippines – Diretsahang tinanong ng isang kaibigang reporter ang manager ni Paolo Contis: may nalalaman nga ba ito sa status ng lovelife ng aktor?

Ayon kay Lolit Solis, aware daw siya na may kumakalat na balita na nagkakaproblema si Paolo at ang nobyang si Yen Santos.

Pero giit ni Lolit, maniniwala lang daw siyang split na nga ang dalawa kung mismong si Paolo ang magsasabi sa kanya.

Sa ngayon, Paolo hasn’t spoken to her about that. Not yet.

Sinbukan ba ni Lolit na tanungin mismo ang kanyang alaga?

Posible kasing mag-confide sa kanya ang aktor.

Ani Lolit, naging ugali na raw niya ang hindi nag-uusisa tungkol sa pribadong buhay ni Paolo.

Basta hangad niya para sa kanyang alaga’y masaya ito.

At kung meron mang problema sa pagitan nina Paolo at Yen, Lolit can conjecture: “Siguro, nagkasawaan na!”

Inamin din ni Lolit that she has yet to meet Yen in person.

Hindi pa rin pala naipapakilala ni Paolo sa kanya nang personal ang nobya nito.

Ang tanong: a private person that he claims to be na sobra ang pagpapahalaga sa kanyang privacy, is Paolo the type who will open up?

Mag-confide nga ba ang aktor sa kanyang manager knowing na mismong si Lolit ang

maaaring magkalat kung anuman ang ipagtatapat nito? Ronnie Carrasco III