Home ENTERTAINMENT Paolo, bet bisitahin si Summer sa Amerika, namahalan sa tiket!

Paolo, bet bisitahin si Summer sa Amerika, namahalan sa tiket!

Manila, Philippines- Sa interview ni Paolo Contis kay Nelson Canlas ng GMA7, inamin niya na araw-araw niyang nami-miss ang kanyang anak kay LJ Reyes na si Summer.

Sabi ni Paolo, “They don’t believe me, I don’t care, but that’s how I feel. I miss Summer every day, I really do.

“I have videos of her. I always watch them every time I wake up. I look at thier pictures all the time.”

Hiling ng aktor na maging maayos na ang lahat sa pagitan nila ng dating asawa para madalas na niyang makasama ang kanyang anak.

“Kapag sabihin na natin na napatawad ako at mas magaan na ‘yung mga bagay bagay, I hope we can get to talk and kumbaga come to an agreement na makita ko si Summer and you know, at least talk to her regularly.”

Sabi pa ni Paolo, pwede naman niya puntahan sa United States ang anak, pero siyempre nais pa niyang humingi ng permiso kay LJ.

“Una sa lahat, pupunta ako sa isang lugar na una, mahal, mahal puntahan ‘di ba, hindi naman to mamanehuin mo lang at ‘pag hindi pala okay babalik ka lang, hindi. Siyempre marami kang kino-consider, ‘di ba? So of course I wanna be sure.

“At saka naniniwala ako, respeto rin sa kanila. Ayokong nambibigla, ‘di ba? Hindi puwedeng ‘nandito ko’ ganyan, respeto mo ‘yon sa kanya, respeto ko sa nanay niya na nandoon din,” dagdag pa niya.

“Gusto ko na kung pumunta ako, merong approval kasi ayoko rin ng gulo, ayokong mabigla sila, ayokong maguluhan sila doon.

“I believe it takes time, I know her it will really take time, especially sa nangyari din sa amin hindi rin naman simple ‘di ba, so naniniwala ako it will take time,” aniya pa. Rommel Placente

Previous articleDSWD naghanda ng packed goods sa pag-alburoto ng Bulkang Taal, Mayon
Next article‘Pagharang’ ni Villanueva sa SOGIE Equality bill, inalmahan ni Hontiveros