Manila, Philippines – The Jalosjos-produced Eat Bulaga knows exactly the name of the game.
Napakalaking factor ang monetary benefits ng naturang noontime show aside from its entertainment value.
Alam nila na isang malakas na bentahe ito para makaakit ng mga manonood.
Sa tantya nga ng isang reporter na malapit kay Paolo Contis na isa sa mga hosts ng revamped show, aabot sa P150k ang ipinamimigay ng EB araw-araw
And speaking of Paolo, damay din siya sa imahe ng EB na generous.
Halos araw-araw rin daw ay “nalalagasan” si Paolo mula sa kanyang sariling bulsa.
Take note, hindi raw nire-reimburse o nili-liquidate ni Paolo whatever money he shells out, kundi galing from his own pocket.
Naroong nahiritan daw ang TV host-actor ng pamasahe pauwing Mindoro ng isang studio audience.
Bigay naman daw si Paolo ng travel fare.
Naroon din daw na nilambing siya ng isa pang studio audience ng pam-birthday, at naglabas din ng pera si Paolo.
Wala raw karekla-reklamo si Paolo, bagkus ay nag-enjoy pa raw ito sa ginagawa niyang acts of generosity.
‘Yun nga lang, ayaw paawat ang ilang netizens sa pagbatikos kay Paolo sa kabila nito.
“Akala ba namin, e, ‘Charity begins at home’? Oo nga’t parang tahanan na rin ni Paolo ang Eat Bulaga, pero mas dapat siyang maging generous sa mga anak niya na mas nangangailangan ng financial support mula sa kanya!” hirit ng isang netizen.
Dagdag pa nito, huwag na lang daw ipagmalaki ni Paolo ang pagiging generous sa mga studio audience kung nasisilip ang pagkukulang niya sa kanyang mga anak.
May dalawang anak si Paolo sa dating EB Babes member na si Lian Paz na nakabase na ngayon sa Cebu.
May isang anak naman si Paolo sa Starstruck alumna na si LJ Reyes who’s now based in New York.
In fairness to Paolo, he’s saving up money for his kids na ibibigay naman daw niya sa takdang panahon.
Pinag-iipunan din daw ni Paolo ang kanyang pamasahe papuntang Amerika to visit his daughter Summer.
Kung kelan mangyayari ‘yon, only Paolo can tell. Ronnie Carrasco III