Manila, Philippines- Maingat si Paolo Contis bago magbitaw ng salita.
Hangga’t maaari nga’y totally ay hindi na niya ibubuka ang kanyang bibig lest he be misconstrued or misquoted.
Pero nasukol din ang aktor nang mamataan sa look test ng gagawin niyang pelikula.
Kumbaga, Paolo was left with no other choice.
Of late, sunud-sunod ang mga nagaganap na celebrity weddings.
Puwera pa rito ang mga kasalang magaganap pa lang.
Isa na nga rito ay ang pag-iisang-dibdib ng dating karelasyong si LJ Reyes at nobyo nitong si Philip Evangelista.
Ani Paolo: “I have nothing bad to say about her. I’m happy for her. She deserves to be happy.”
It’s just like saying that all of us have the right to happiness.
And this does not exclude Paolo and current girlfriend Yen Santos.
Kailan nga ba ang kanilang turn?
Paolo does not hide the fact na may kinakailangan lang daw siyang ayusin.
And if he gets what needs to be fixed, hindi niya itinatangging si Yen ang balak niyang pakasalan.
“Oo naman! Siya na talaga, why not? She’s a good person and she deserves to be happy, too.”
Hindi man aminin ni Paolo, ang bagay na tinutukoy niya which he needs to address has a lot to do with her kids: two with former EB Babe Lian Paz and 1 child with LJ.
In particular, ang pagbibigay ng sustento sa mga ito ang nais iseguro ni Paolo.
Harinawa’y maayos na ni Paolo ang “atraso” niya sa kanyang mga anak before settling down with Yen.