Home ENTERTAINMENT Paolo, happy sa rami ng commercials ng TP!

Paolo, happy sa rami ng commercials ng TP!

Manila, Philippines – Ang pumapasok na commercials o patalastas ang lifeblood ng anumang programa–mapa-radyo man o TV.

Doon kasi kinukuha ang ipinasasahod sa staff at ilang gastusin attendant to the production.

Sa kaso ng Tahanang Pinakamasaya sa GMA, ipinagmamalaki ng mga hosts nito ang dami ng kanilang commercial load.

Siyempre, masaya rin ang Tape, Inc. na siyang producer nito.

It is for this reason kung bakit tengang-kawali lang ang mga TB hosts sa patutsada ng kabila most especially coming from Joey de Leon.

Of late nga’y wari’y sinagot ng Master Henyo ang tinuran ni Paolo Contis na mahaba-haba pa raw ang nagaganap na laban sa pagitan ng

TVJ at ng Tape.

Iaapela raw kasi ang kaso sa kung sino talaga ang may-ari ng titulong Eat Bulaga kahit nagdesisyon na ang Marikina RTC na ang TVJ ang rightful owner nito at hindi na ito puwedeng gamitin ng TAPE, INC.

But as far as Joey is concerned, tapos na raw ang laban.

As he puts it: “May nanalo na!”

Siyempre, ang tinutukoy niya ay ang TVJ na pinaboran ng Marikina Regional Trial Court.

Kung si Paolo ang tatanungin, setting aside the legalities ay sandamakmak ang mga patalastas ng TP.

Nag-text nga si Paolo sa isang ka-close na reporter expressing how happy he was nitong nakaraang Biyernes.

Umabot kasi ng 53 minutes ang commercial load ng TP!

Ewan kung ganoon din karami o higit pa ang commercial load ng EB ng TVJ.

Paolo’s co-host Cassy Legaspi resonates the same joy.

Happy rin daw siyang nagtatrabaho bilang isa sa mga tumitimon ng programa dahil bongga ang load nito.

For sure and knowing Joey de Leon, he has something – say on this! Ronnie Carrasco III

Previous articlePops, ok lsa pagiging tigang!
Next articleKim, umiwas sa pagiging ‘Marites’ ni Marya!