Home ENTERTAINMENT Paolo, iniwasan si Janine!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Paolo, iniwasan si Janine!November 14, 2023 12:28 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Matagal-tagal na ring walang nababalitaang updates sa PaoNine loveteam.Ang PaoNine ay portmanteau o kumbinasyon ng mga pangalan nina Paolo Avelino at Janine Gutierrez.Kelan pa sila huling nagsama?Janine’s first teleserye upon her transfer to ABS-CBN was Marry Me, Marry You.Wala namang inisyung confirmation nor denial either si Paolo or Janine about their real score.Pero sabi nga, anything which is obvious need not be stressed.Gasgas o overused na nga ang linyang: “What you see is what you get.”Sa nakaraang event for Kim Chiu’s Linlang, natural lang na usisain si Paolo as regards his lovelife.Umaasa ang press na hindi sila “ilinlangin” ng aktor with his answer.Pero sa halip na magbigay ng sagot, tinangka ni Paolo na kunwari’y magwo-walk out to dodge the question.After idaan sa biro ang walkout scene, it was the press’ turn again to ask kung malamig ba ang kanyang magiging Pasko.Ang masabihang malamig ang Pasko’y nangangahulugang malungkot ang tao who spends it sa kawalan ng taong malapit sa puso niya.Kunwari’y nagulat pa si Paolo: “Ha? Ang alin?”When it finally dawned on him na may kunek ang tanong sa kanyang lovelife ay “namilosopo” ito.Sagot kasi niya: “Oo, malamig ang Pasko ko kasi doon ako sa Baguio magki-Christmas, kung saan ako ipinanganak!”Sa madaling salita, wala ring napiga mula kay Paolo gayong he could have given a straight answer.Baka rin naman nagpapaka-consistent ang aktor na kilalang “masikreto” when it comes to his personal life.Pero hindi ba niya in-anticipate before attending the event na tatanungin siya tungkol kay Janine? Ronnie Carrasco III