Home ENTERTAINMENT Papa P at Dingdong, may pakiusap sa moviegoers!

Papa P at Dingdong, may pakiusap sa moviegoers!

Manila, Philippines- Present ang mga A-listers sa naganap na inauguration ng MMFF auditorium sa bagong MMDA building sa Julia Vargas, Ortigas.

In attendance ang malalaking stars na bida ng nga pelikulang kalahok sa 2023 Metro Manila Film Festival.

Tumayo nga si Piolo Pascual onstage stage at nakiusap sa mga moviegoers na sana ay huwag pag-awayan ang kung anong pelikula ang kanilang panonoorin kapag nagsimula na itong maipalabas sa December 25, 2023.

“All cards on deck tayo, sana ma-appreciate ng lahat ang ten entries na kasama ngayon sa MMFF.

“Mag-kaibigan kaming lahat dito kaya walang competition.

“Pero sana rin unahin nating panooron ang Mallari,” birong seryoso ni Papa P na siyang bida sa horror movie na Mallari.

Si Dingdong Dantes naman ay nagsalita rin onstage.

“Lets make this a memorable Christmas. Maging masaya tayo sa panonood ng sine. Hiwag na natin hintayin ‘yung next year o bukas para maging masaya, dahil hindi niyo na mare-rewind pa ang nakaraan,” ang malalim namang mensahe ni Dong na bida sa pelikulang Rewind.

Excited naman si Kylie Versoza dahil first niyang nakasama ang mga malalaking artista sa MMFF.

“I’m happy to be here and represent my film. Binago ni direk Jason Laxamana ang Penduko, a wonderful spin-off to relate to adolecense and adults.

“Also, we have a great cast.

“I-enjoy natin ang pelikula sa MMFF. It’s a dream of mine, pangarap ko lang dati ito pero ngayon kasama ko na sila,” sabi ni Kylie na kasama ni Matteo Guidicelli sa Penduko.

Emosyunal naman si Boots Anson Roa sa kanyang pahayag. Si Boots ay isa sa mga execom ng MMFF.

“Gusto ko bigyan ng tribute ang mga nasa likod ng camera, ang execom, ang staff at ang labat ng bumubuo ng secretariat pati na rin ang deputy chairman.

“Napakahirap po mag-mount ng MMFF, ang members na nagtatrabaho rito, they eat death threats dahil marami ang conflicts and problems lalo na’t you cannot please everybody,” sabi pa niya.

Anyway, nag-enjoy naman ang mga empleyado ng MMDA dahil nakita nila sa kanilang new building ang kanilang mga iniidolong aktor up close and personal. JP Ignacio

Previous articleAlex G proud na retokada!
Next articleMarc, may panibagong gimik; Kris, bibigay kaya?