Home HOME BANNER STORY Papel ng Japan sa pagpapanatili sa katatagan ng WPS, kinilala ni PBBM

Papel ng Japan sa pagpapanatili sa katatagan ng WPS, kinilala ni PBBM

MANILA, Philippines – KINILALA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang papel ng Japan sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa West Philippine Sea (WPS).

Binanggit ito ni Pangulong Marcos sa courtesy call ni Komeito Party Chief Representative Yamaguchi Natsuo sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Miyerkules, Agosto 16.

Winika ng Punong Ehekutibo na ang bilateral at multilateral partnerships at agreements na kapuwa pinasok ng Pilipinas at Japan ay naglalayong panatilihin ang katatagan sa  resource-rich region.

“I refer to the tripartite trilateral agreements that we have been talking about and have started to implement in terms of joint patrols, in terms of joint exercises for the two maritime forces of Japan and the Philippines,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang kalatas.

“In that regard, we must acknowledge the very important contributions that Japan has made to the Philippines in terms of not only training, not only in terms of equipment, but also in the agreements that we have been able to forge between our two countries in terms of cooperation, in terms of preserving the peace and allowing the free conduct of trade and shipping [in] the South China Sea,” aniya pa rin.

Sinabi naman ng Presidential Communications Office (PCO) na napanatili ng Pilipinas at Japan ang malakas na ‘defense cooperation’ kasunod ng paglagda sa Transfer of Defense Equipment and Technology Agreement noong Pebrero 2016.

“The deal paved the way for acquisitions and procurements that have contributed to the Philippine defense posture,” ayon sa PCO.

Samantala, binanggit naman ni Pangulong Marcos ang pangangailanganpara sa bagong regional peace efforts para panatilihin ang kapayapaan at katatagan sa Korean Peninsula.

Tinukoy nito ang kahalagahan ng rehiyon sa Asia’s development at sa interest ng lahat ng stakeholders.

“But beyond what is happening… we also have continuing great concern on the actuations, shall we say, of North Korea with Japan, (would) be in very much, what we could call the line of fire. But this is something that although we would say is not top of mind in terms of security and defense,” ayon sa Punong Ehekutibo.

“We consider it a critical issue that, really, we in the region must work together very, very hard to try to alleviate the tensions, to try to make all the proponents of peace in the region be the dominant voice,” dagdag na wika nito.

Matatandaan na ginawa ng South Korea na normalisahin ang military intelligence-sharing pact sa Japan habang pinalakas at pinatibay nito ang ugnayan sa gitna ng lumalagong pagbabanta mula sa  North Korea. Kris Jose

Previous articleLolo patay sa suwag ng alagang baka
Next articleInvestigation procedures nilabag sa pagkamatay ni Jemboy – NPD chief