MANILA, Philippines – Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng kahalagahan ng papel ng mga mga kabataang Pinoy sa mga hakbang sa climate change at disaster resiliency.
Sa kaniyang intervention sa ginanap na 42nd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summits and Related Summits sa Labuan Bajo, Indonesia, sinabi ng pangulo na pinangungunahan ng Filipino youths ang mga adbokasiya para maibsan ang epekto ng climate change sa Pilipinas.
Mainam aniyang maging halimbawa ito sa ibang mga bansa sa ASEAN.
Kabilang sa binanggit ng pangulo ang deklarasyon ng tauhang ASEAN Youth in Climate Action and Disaster Resilience Day na ginaganap tuwing November 25 na layong magpalaganap ng impormasyon at hikayatin ang mga kabataan na gumawa ng hakbang laban sa climate change.
Sinabi ng pangulo na ang kinabukasan ng rehiyon ay nakasalalay sa abilidad nitong i-develop ang mga nakababatang populasyon.
Advertisement